in

Bagong episodes ng ‘Amazing Earth,’ magsisimula na sa July 26!

Exciting adventures at interesting interviews mula sa local heroes ang hatid ng award-winning infotainment show na Amazing Earth sa kanilang bagong episodes na mapapanood simula July 26 sa Kapuso Network.

Matapos ang ilang buwan na pagkakaantala ng tapings, may handog na fresh content ang host ng programa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa kanilang viewers.

Isa na riyan ang eksklusibong panayam ni Dingdong sa isang Pinoy student na nananatili sa Wuhan, China at inabutan ng lockdown noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa. Alamin ang naging karanasan niya sa loob ng naturang lockdown na tumagal ng 60 days. Sundan din ang nakaka-amaze na kwento ng mga hayop mula sa Indian subcontinent sa bagong series ng BBC na ‘Hidden India.’ Samahan si Dingdong na tuklasin ang natatagong ganda ng ating mundong ginagalawan sa bagong episodes ng Amazing Earth simula July 26, 5:25PM, sa GMA Network! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Sarap ‘Di Ba?,’ may bagong episodes na simula July 18!

Mikael Daez, saan unang nakilala si Rhian Ramos?