Natuwa naman kami sa nabalitaan namin na hindi lang tuwing Linggo mapapanuod ang infotainment show ni Drew Arellano na AHA!
Simula kasi July 1, ipapalabas na ito mula Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25 am, sa GMA 7. Mas maraming time na nga ang viewers na matuto at mapa-AHA! sa mga episode ng nasabing award-winning TV show.
At pagsapit ng Linggo, tuloy pa rin ang learn-from-home experience with Drew dahil mapapanuod pa rin ang AHA! sa original timelot nito na 8:15 am.
Hindi lang mga kabataan ang target audience ng AHA! dahil kahit kids at heart, maaaliw sa iba’t ibang trivia at bagong kaalaman na binabahagi ng nasabing TV show.