in

Thea Tolentino, ibinahagi ang naging working student experience niya

Congratulations dahil ganap nang degree holder ang Kapuso actress na si Thea Tolentino matapos niyang grumaduate mula sa kolehiyo nitong Sabado, June 20.

Nakapagtapos si Thea ng kursong Bachelor of Arts in Business Administration Major in Public Administration sa Trinity University Asia. Tanong ng marami, paano raw niya napagsabay ang pag-aartista at pag-aaral?

Hindi raw ito naging madali pero nagpapasalamat siya sa lahat ng tumulong sa kaniya sa journey na ito, “Minsan talaga galing taping, makakapunta na ako ng school walang ligo, gano’n. Talagang tyinaga ko kahit duling na ako minsan. Tapos very considerate rin kasi ‘yung mga professor. Tsaka may mga classmate ako na talagang willing to help kaya nairaos ko talaga siya.” 

Dagdag pa ng aktres, iba pa rin ang may pinanghahawakang diploma. Para raw kay Thea, madadala ng tao ang edukasyon sa kaniyang buong buhay.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jak Roberto, highlight ng career ang mapasama sa ‘Meant To Be’

Bea Binene, nagpasalamat sa Malaysian fans