in

‘Love of my Life’ stars, may online reunion ngayong Biyernes!

May sorpresa ang stars ng GMA primetime series na ‘Love of my Life’ ngayong Biyernes (June 26)!

Samahan sina Carla Abellana, Rhian Ramos, at Mikael Daez sa isang masayang online get-together kung saan sasagutin nila ang mga katanungan ng netizens tungkol sa pag-ibig at pamilya sa ‘Let’s Talk Love’. 

Bumuhos na agad ang intriguing at nakakatuwang questions mula sa netizens at kanilang supporters gaya ng ‘Ano nga ba ang ideal age for marriage?’ at ‘Anong mga sakripisyo na ang ginawa mo para sa iyong pamilya?’ Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagka-miss sa cast ng teleserye at hindi na raw sila makapaghintay sa muling pagbabalik nito sa telebisyon, “Sobrang miss na po talaga namin ang Love of my Life. Waiting to watch the continuation of your drama.” 

Tutukan ang masayang reunion na ‘yan nina Carla, Rhian, at Mikael ngayong Biyernes, 6PM, sa Facebook page ng GMA Drama.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kim Domingo, idol si Jaclyn Jose

Jak Roberto, highlight ng career ang mapasama sa ‘Meant To Be’