in

Kim Domingo, idol si Jaclyn Jose

Role model kung ituring ng Kapuso star na si Kim Domingo ang award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose.

Ang 2016 Cannes International Film Festival Best Actress daw ang tinitingala niya sa showbiz industry.

Aniya, “Isa siya sa mga taong tinitingnan ko na balang-araw maging gano’n ako.”

Dahil nga dito ay sinusubukan niyang sundan ang mga yapak ni Jaclyn. Una na rito ang desisyon niya na iwan ang imahe ng pagiging sexy star. “Inunti-unti ko siya. Inuna ko siyempre, hindi na ako nagpo-post ng mga sexy photo tapos ‘yung pananamit ko, hindi na rin ako masyado nagsusuot ng mga revealing clothes.”

Naging motivation din niya ang payo na nakuha mula kay Primetime Queen Marian Rivera na nakatrabaho niya noon sa primetime series na ‘Super Ma’am.’ “Sabi niya, ‘Kung saan ka masaya, kung saan ka mas kumportable, ‘yun ‘yung gawin mo. At saka maganda nga ‘yan na mayroon ka pang ibang ipapakita,” dagdag pa ni Kim. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back-to-back magical stories sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ ngayong Linggo

‘Love of my Life’ stars, may online reunion ngayong Biyernes!