in

Jak Roberto, highlight ng career ang mapasama sa ‘Meant To Be’

Itinuturing ni Kapuso hunk actor Jak Roberto ang GMA series na ‘Meant To Be’ bilang highlight ng kanyang showbiz career. Nagbukas daw ito ng maraming oportunidad para sa kanya.

“Ang proudest Kapuso moment ko is nung nag-audition ako sa Meant To Be at nakuha ako bilang isa sa lead stars nito na si Andres dela Cruz, a.k.a. Andoy, na isang Pinoy na torpe at mapagmahal sa kanyang pamilya. ‘Yun kasi ‘yung first lead role ko at ‘yun din ‘yung nagbigay ng opportunity para sa akin na mabigyan pa ng iba’t ibang projects na ako naman ang leading man, and maraming pumasok na opportunity pa.” 

Pagbabahagi pa ni Jak, ilan sa mga natutunan nito sa GMA Network mula nang mapasama sa Walang Tulugan with the Master Showman ay ang pakikisama at pagbibigay respeto sa lahat ng nakakasalamuha mo. “Kasi, dito sa trabahong ito, pakisamahan talaga, e. Dapat may respeto ka lalo na sa mga senior actor, at sa mga lagi mong nakakasama na mga cameraman at production staff.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Love of my Life’ stars, may online reunion ngayong Biyernes!

Thea Tolentino, ibinahagi ang naging working student experience niya