in

Rodjun Cruz, excited na sa pagdating ng kanilang baby boy!

Nagkaroon ng online gender reveal party sina Kapuso actor Rodjun Cruz at asawang si Dianne Medina para sa kanilang first baby!

Sa ini-upload na vlog sa YouTube channel ni Dianne, ipinakita ng mag-asawa ang naging masayang virtual gathering nila kung saan umattend ang matatalik nilang kaibigan at pamilya.

Para kay Rodjun, anuman ang gender ng anak nila, excited na siyang ibuhos ang pagmamahal niya rito, “Nagpe-prepare na rin ‘yung family namin. Pati sila sobrang excited malaman kung boy or girl. Ako naman medyo iba na ‘yung nararamdaman ko. Boy o girl man ‘yan, mamahalin namin ng sobra-sobra.”

Matapos ang ilang games at paandar sa party, ibinunyag na rin na baby boy ang ipinagbubuntis ni Dianne gamit ang mga confetti na lumabas sa kanilang cute na piñata!

Kasama sa mga nakisaya kina Rodjun at Dianne ang Kapuso stars na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes, more than 20 years nang Kapuso

Chef Jose Sarasola, nagshare ng recipe sa ‘Unang Hirit!’