in

Dingdong Dantes, more than 20 years nang Kapuso

Walang duda na loyal Kapuso si Primetime King Dingdong Dantes. Sa higit 20 taon niya sa GMA Network, pamilya na ang turing niya sa mga taong nakasama niya rito. 

Aniya, “For me a Kapuso, it means na you’re part of a family, you’re part of the home. Lahat nang ‘to, na-realize ko noong quarantine. Nakapag-reflect ako na halos higit kalahati ng buong buhay ko ay Kapuso ako.”

Dagdag ng ‘Descendants of the Sun’ lead actor, markado na sa buhay niya ang pagiging isang Kapuso, “Lahat ng nakikita ko, kaliwa’t kanan sa bahay, ay resulta at produkto ng pagiging Kapuso. And not to mention, pati ‘yung asawa ko, sa Kapuso Network ko nakilala. Markado na sa buong pagkatao ko ang pagiging Kapuso.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Parokya Bente Dos’ ng ‘Bubble Gang,’ mapapanood sa YoüLOL!

Rodjun Cruz, excited na sa pagdating ng kanilang baby boy!