in

Father’s Day video ng DongYan, hinangaan ng netizens

Umabot na sa higit 492,000 views ang Father’s Day video tribute ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa butihing asawa na si Dingdong Dantes sa Instagram kahapon.

Tinawag ito ni Marian na ‘Menudo’ at may caption na, “Sa araw ng mga tatay alay ko ang paborito mo. Happy Father’s Day Mahal ko!” 

Pagpapatuloy niya, “Maaaring hindi para sa iba. Pero sa amin nina Sixto at Zia, di ka lang perfect, the best tatay ka pa!”

Inulan ng positive feedback ang simple ngunit heartwarming message ni Marian sa kaniyang asawa at ama ng napaka-cute nilang mga supling na sina Ate Zia at Baby Ziggy.

Sey ng netizens, talagang “perfect couple” ang DongYan, hindi lang daw sila relationship goals, kundi pati na rin parenting goals dahil hangang-hanga sila sa pagpapalaki ng dalawa sa mga anak. Muli, Happy Father’s Day, Dingdong!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, hinamon ang ama sa drinking challenge

GMA News, pasok sa top 5 online video publishers sa buong mundo