in

Tibay at saya ng pamilya, ibinida ng Kapamilya stars sa ‘Forever Kapamilya’ Station ID

Ibinida ng Kapamilya stars kung paano pinapangiti at pinapatibay ng pagmamahal at suporta ng pamilya ang mga Pilipino sa bagong station ID ng Kapamilya Channel na inilunsad ngayong araw sa “It’s Showtime.”

Pinamagatang “Forever Kapamilya,” tampok sa station ID ang malalaking pangalan sa industrya mula sa mga programa ng Kapamilya Channel, ang kasalukuyang tahanan ng mga palabas ng ABS-CBN.

Kabilang dito sina Angel Locsin, Billy Crawford, Charo Santos-Concio, Coco Martin, Daniel Padilla, Erik Santos, Ernie Lopez, Gary Valenciano, Jhong Hilario, Jolina Magdangal-Escueta, Judy Ann Santos, Jugs Jugueta, Karla Estrada, Karylle, Kim Chiu, Luis Manzano, Martin Nievera, Melai Cantiveros-Francisco, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Teddy Corpuz, Vhong Navarro, Vice Ganda, at Zsa Zsa Padilla.

Sila ang mga host at bida ng “ASAP Natin To,” “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Iba ‘Yan,” “It’s Showtime,” “Love Thy Woman,” “Paano Kita Mapapasalamatan,” “The Best of MMK,” “The Voice Teens,” “A Soldier’s Heart,” “G Diaries,” “The General’s Daughter,” at “I Can See Your Voice,” na nagbibigay saya sa mga Kapamilya ngayong panahon ng krisis.

Sina Raizo Chabeldin at Biv De Vera ang umawit ng “Forever Kapamilya,” na sinulat naman nina ABS-CBN Creative Communications Management division head Robert Labayen at Lloyd “Tiny” Corpuz. Kasama rin ni Tiny si Raizo sa paglapat ng musika. Sina Raizo at Biv din ang mga boses sa likod ng kantang “Pag-ibig Ang Hihilom Sa Daigdig,” na tampok sa ginawang tribute ng ABS-CBN sa mga bayani sa laban ng bansa sa COVID-19.

Sa paglulunsad ng Kapamilya Channel noong Hunyo 13, naipakita ng ABS-CBN na ang magkakapamilya ay humahanap ng paraan para magkita at magkasama. Isa itong 24-hour channel na naghahatid ng saya at inspirasyon sa panahong ito sa pamamagitan ng mga programang gawa o inangkat ng ABS-CBN. Available ito sa SKY channel 8 sa SD, SKY channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 2, at marami sa mga cable operator ng Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) sa buong bansa. Mapapanood din ito online sa iWant app o iwant.ph.

Habang tuloy ang saya sa Kapamilya channel, hangarin pa rin ng ABS-CBN na maabot ang mas marami pang Pilipino. Makiisa sa pagbida sa pagmamahal, pagsasama, at pamilya ng Kapamilya stars sa “Forever Kapamilya” station ng Kapamilya Channel. Mapapanood din ito sa lahat ng ABS-CBN digital platforms tulad ng ABS-CBN Entertainment Facebook at YouTube channel. Para sa updates, i-follow @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa abscbnpr.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘All-Out Sundays’ barkada, may hatid na stay-at-home Father’s Day special ngayong Linggo

Jak Roberto, nagpakilig sa ‘Marikit’ dance cover!