in

Thea Tolentino, motivation ang mga kaibigan sa pagwo-workout

Masaya ang Kapuso actress na si Thea Tolentino na naaalagaan niya ang kanyang kalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Thea ang kanyang mga kaibigan na nagtulak sa kanyang mag-exercise at manatiling fit.

“Ngayong quarantine, wala akong ginawa kundi kumain ng kumain. Buti na lang, I have friends na nagpu-push sakin mag-workout. We work out together sa kanya-kanyang bahay with the help of @fitcrew_ph. I managed to maintain my weight and slowly get toned na rin because of them,” ayon kay Thea.

Bukod dito, naging abala rin si Thea sa non-profit organization na RelievePH na kanyang inilunsad kasama sina Juancho Trivino at Mikoy Morales.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sheena Halili, doble ang pag-iingat sa sarilli dahil sa doble ang pag-iingat

Shaira Diaz, busy pa rin kahit quarantine