Masayang ibinalita last week ng Kapuso actress na si Sheena Halili na siya ay nagdadalang-tao na.
Ayon sa aktres, isang buwan matapos silang ikasal ng asawa na si Jeron Manzareno noong Pebrero ay nabuntis na siya.
Aniya, “After a month naming kinasal, nagka-baby kami agad. Nagulat nga kami kasi siyempre hindi natuloy ‘yung honeymoon namin. May blessing agad si Lord after nu’ng kasal.”
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/06/sheenhaliliingatpagbubuntis.jpg)
At dahil sa patuloy pa rin nating kinakaharap ang COVID-19 pandemic, hindi maiwasan ni Sheena na maging emosyonal dahil iniisip niya ang kapakanan at kinabukasan ng kanyang anak.
“Siyempre, hindi mo rin talaga maiwasan mag-worry, iba kasi talaga. Sabi ko kung ako lang, kung tayo lang, kaya natin pero ngayon talagang may baby, sobra talagang mas naging protective kami,” dagdag pa ni Sheena.