in

Rocco Nacino, hindi malilimutan ang suporta ng ama

Malaki raw ang ginampanang papel ng ama ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa paglago ng kaniyang showbiz career.

Nag-uumpisa pa lang daw siya noon sa ‘StarStruck’ ay hindi na matutumbasan ang suporta na ibinibigay ng kaniyang mga magulang magpa-hanggang ngayon na isa na siya sa mga pinaka-established na aktor sa GMA.

Kuwento ni Rocco, “Sa kanya ko nakuha ‘yung, ‘Experience is Everything,’ at saka ‘yung sinasabi ko na ‘You only fail if you don’t try.’ So ‘yung experience ko with ‘StarStruck,’ with businesses, siya ang dahilan doon. ‘Yung push na you get from your father to say it’s okay to fail. Doon ko nakukuha ‘yung lakas ng loob ko to really jump into something. At saka ‘yung mga daddy natin, best advisers din ‘yan.”

Kaya naman, ngayong paparating na Fathers Day, gusto raw talaga pasalamatan ng ‘Descendants of the Sun PH’ star ang kaniyang daddy sa lahat ng mga tagumpay sa kanyang buhay. 

Sa kasalukuyan, bilang isang Navy reservist, ay aktibo si Rocco sa COVID-19 initiatives ng Philippine Navy para makatulong sa frontliners. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Shaira Diaz, busy pa rin kahit quarantine

Sanya Lopez, ano ang unforgettable Kapuso moment?