in

Barbie Forteza, malaki ang pasasalamat sa Kapuso Network

Nagpapasalamat si Kapuso Primetime Princess at Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday star Barbie Forteza sa walang-sawang suporta at pagtitiwala ng Kapuso Network sa kanya magmula ng kanyang unang acting stint bilang batang Jodi sa Stairway to Heaven taong 2009.

“After ng Stairway to Heaven, kinontak na kami ng GMA Artist Center at nag-sign kami ng contract. Doon na nag-start ang journey ko as a Kapuso. Doon pa lang masasabi ko na proud to be Kapuso ako kasi nag-take sila ng risk sa akin and since then hindi nila ako pinabayaan and they kept their word na aalagaan nila ako.”

Dagdag pa ni Barbie, hindi lang daw bilang artista siya proud na Kapuso, dahil bata pa lang daw ay supporter na talaga siya ng Kapuso Network at parte ng kanyang childhood ang classic shows ng GMA-7 gaya ng Encantadia, Lupin, at Darna.

Samantala, habang tigil muna ang taping ng pinagbibidahang primetime soap na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, napapanood si Barbie sa rerun ng Meant To Be sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sanya Lopez, ano ang unforgettable Kapuso moment?

Mikael Daez, may tips sa pag-edit ng vlogs