in

Golden Cañedo, nahilig sa pagkanta dahil sa kanyang ama

Para sa The Clash Season 1 grand champion na si Golden Cañedo, espesyal ang bawat araw na kasama niya ang kanyang ama. “Sobrang funny po kasi ng dad ko kaya masaya lang po kami palagi sa bahay,” kuwento ng Kapuso singer.

Ibinahagi rin niya na ang kanyang ama ang dahilan kung paano niya nadiskubre ang hilig sa pagkanta. “Turo niya talaga sa akin to never stop believing in myself. Siya ang unang sumuporta sa singing career ko and siya rin ang nag-encourage sa akin na sumali sa mga singing contest kaya ko nadiskubre ang talent ko sa pagkanta,” ayon kay Golden.

Dagdag pa niya, malaking bagay para sa kanya ang pagkapanalo sa The Clash na nagbigay-daan sa pagtupad ng kanyang mga pangarap,“Wish kasi talaga ng family ko and lalo na ni Papa na makasali ako sa ganoong kalaking singing contest kaya noong nanalo ako, nagbago ang takbo ng buhay namin.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia, ibinahagi ang creative ideas sa kanyang photo shoots sa bahay

Sheena Halili, doble ang pag-iingat sa sarilli dahil sa doble ang pag-iingat