in

Mikael Daez at Megan Young, maraming nadiskubre sa isa’t isa dahil sa podcast

Para sa Kapuso stars na sina Megan Young at Mikael Daez, ang podcast nilang #BehindRelationshipGoals ay isa sa mga bagay na nakatulong sa kanila habang naka-quarantine.

Bukod sa nae-enjoy nila itong gawin, hindi rin daw nila inakala na marami palang makaka-relate sa mga kuwento nila bilang mag-asawa. Bukod dito, tuwing ginagawa raw nila ang podcast ay may mga bagay silang natututunan pa sa isa’t isa.

Ayon kay Mikael, “Ang masaya sa podcast, may topics na hindi rin naming napag-uusapan as a couple kasi it just doesn’t come up. So when we do the podcast, may mga lumilitaw na kuwento na first time lang din naming naririnig sa isa’t isa. So naging bagong conversation din para sa amin ni Megan. So natutuwa lang rin ako na we’ve been together for 10 years at may kuwento pa rin palang pareho naming hindi pa naririnig sa isa’t isa.”

Pagtatapos ng ‘Love of my Life’ actor, “I think that was the surprise blessing of our podcast sa aming dalawa.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, #FitnessGoals ng netizens

Aicelle Santos, excited na sa parating na blessing