in

Pancho Magno at Max Collins, pamilya kung ituring ang GMA Network

 Ibinahagi ng Kapuso couple na sina Pancho Magno at Max Collins na pamilya nilang itinuturing ang kanilang home network, ang GMA- 7.

Ito ay matapos nilang ikwento na proudest Kapuso moment nilang dalawa ang kanilang wedding.

Ayon kay Max, na-realize niya na  present sa kanilang kasal ang lahat ng kanilang katrabaho at kakilala sa istasyon. Aniya, “Halos lahat ng ninongs and ninangs namin, from GMA. And doon namin na-realize na family din namin ‘yung GMA, literally.”

Sinegundahan naman ni Pancho ang rebelasyon ng kanyang asawa.

“Ako na-experience ko ‘to, sobrang memorable ng lahat ng shows, lalo na ‘yung mga tumagal na show. Hanggang ngayon nakakausap pa rin namin [yung co-actors and staff]. Nagiging part na kami ng wedding, binyag. It’s beyond being workmates,” pagbabahagi niya. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Trending agad! David Licauco, game na game sa Q&A with fans

Alden Richards, #FitnessGoals ng netizens