in

GMA Heart of Asia, may hatid na bigating drama ngayong Hunyo

May magandang balita ang GMA Heart of Asia para sa Korean drama fans. Simula ngayong Hunyo, mapapanood na sa Kapuso Network ang ‘Misty’ na pinagbibidahan ni Kim Nam-joo na nagkamit ng tatlong Baeksang Best Actress awards at bumida sa ‘Unexpected You’ noong 2013. 

Sa Misty, gaganap siya bilang si Arianne Go, isang popular anchorwoman ng isang primetime news show. Lahat ay nasa kanya na pero lingid sa kaalaman ng lahat sa likod ng kahanga-hangang katauhan ay isang taong may tinatagong madilim na sikreto. 

Ano kaya ito? Abangan ‘yan sa Misty, ang Korean drama na dumadagundong ng pagnanasa at ambisyon, ngayong Hunyo na sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kristoffer Martin, hinahangaan ang prinsipyo ng ama

Trending agad! David Licauco, game na game sa Q&A with fans