in

Gladys Reyes, magkakaroon ng online acting workshop

Mag-o-organisa ng online acting workshop ang Kapuso actress na si Gladys Reyes. Plano niyang magbahagi ng acting tips at magturo ng skills sa pag-arte sa mga nangangarap na maging kontrabida tulad niya.

Pagbabahagi ng aktres sa kanyang Instagram post, “Maraming nagtatanong sa akin, paano raw maging kontrabida na ‘di kailangang maging masama sa totoong buhay para lang magampanan ng makatotohanan. Bata pa ako, ito na ang gusto ko…umarte!” 

Matatandaang nagsimula ang career ni Gladys bilang runner-up sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga noong 1984. Kwento pa niya, “My first screen test was Baby Tsina as Ms. Vilma Santos’s daughter. I had my first acting workshop under the multi-awarded director, the late Direk Marilou-Diaz Abaya. ‘Di ako nagmamarunong, I just want to share what I have learned in my 36 years in the business.”

Para sa detalye tungkol sa kanyang workshop, bisitahin lamang ang Instagram account ni Gladys.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Prima Donnas: Watch From Home’ live stream, inaabangan na!

Kristoffer Martin, hinahangaan ang prinsipyo ng ama