in

Dingdong Dantes, bilib sa mahabang pasensya ni Marian Rivera

Saludo si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pagkakaroon ng mahabang pasensya ng asawa niyang si Marian Rivera.

Ibinahagi ng Descendants of the Sun lead actor na bilib siya sa katangian na ito ng maybahay pagdating sa pag-aalaga hindi lamang sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy kundi pati rin sa kanya.

Aniya, “Magkaroon ka ba naman ng mahabang presensiya ‘tapos isang asawang makulit, ay talagang grabe ‘yung pasensiya niya.”

Ayon kay Dingdong, nadiskubre niya ang ugali na ito ni Marian habang naka-quarantine silang pamilya ng ilang buwan.

Bukod dito, marami rin silang pinagkakaabalahan sa bahay para maging productive ang bawat araw nilang mag-anak. At isa nga rito ay ang paggigitara at pagtugtog ni Dingdong kung saan kasama pa niya si Zia. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

DIY activities sa bahay, tampok sa “I Know Right/IKR”

Chynna Ortaleza, ginupitan ng asawang si Kean Cipriano