in

Chynna Ortaleza, ginupitan ng asawang si Kean Cipriano

Naging instant hairstylist ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza ang asawang si Kean Cipriano matapos nitong gupitan ang asawa. Kahit bukas na ang mga barbershop at salon, mas pinili pa rin ni Kean na siya ang gumupit sa buhok ni Chynna.

Sa Instagram post ng Idol Sa Kusina host, biniro ni Chynna ang haircutting skills ni Kean.

Aniya, “Sana si Stellar na lang ang pinagawa ko! @kean you can’t be a hairstylist!”

Patok naman sa followers ni Chynna ang kanyang new look maging sa celebrity friends ng mag-asawa kabilang na si Iya Villania.

Matatandaang si Iya rin ang gumupit sa buhok ng asawang si Drew Arellano maging ng anak nitong si Primo. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes, bilib sa mahabang pasensya ni Marian Rivera

Benedict Cua, may tips para maging mabuting kaibigan