in

Shaira Diaz, sasabak sa ‘E-Date Mo si Idol’ ngayong Huwebes!

Isa rin ba kayo sa mga masusugid na tagahanga ng Kapuso actress na si Shaira Diaz? Gusto n’yo ba siyang makasama sa isang date? Maaaring magkatotoo ito ngayong June 18 sa ‘E-Date Mo si Idol’ ng GMA Artist Center.

Handa na si Shaira para maka-kuwentuhan at makipag-kulitan sa tatlong masusuwerteng fans na mapipili. Para sumali, mag-comment lang sa post ng GMA Artist Center sa Instagram kung bakit kayo ang dapat piliin ni Shaira.

Si Kiray Celis ang magsisilbing host ng espesyal na gabing ito kaya huwag palalampasin ang ‘E-DATE MO SI IDOL’ ngayong Huwebes, 8pm, sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Team ng ‘Daddy’s Gurl’, nagpasalamat sa mga tumutok sa quarantine episode

Mikee Quintos, umaming mas nag-mature ngayong quarantine