in

#ThinkTok ng ’24 Oras,’ patok sa viewers

Benta sa mga manunuod—mapa bata o matanda man—ang bagong segment ng 24 Oras na “#ThinkTok”. Base sa intro ni 24 Oras anchor Vicky noong Biyernes, layunin ng #ThinkTok na sama-sama ang viewers na mag-aral ng iba’t ibang leksyon sa pamamagitan ng telebisyon.

Sakto naman sa Independence Day ang first topic dahil tungkol ito sa Philippine Flag. Pinangunahan nina Mariz Umali at ng Kapuso child star na si Yuan Francisco ang pagbibigay-kaalaman hindi lang sa pinagmulan at ibig sabihin ng kulay ng ating watawat kundi pati na rin pagbabahagi ng trivia sa watawat ng ibang bansa.

Nakakaaliw si Yuan mapanuod na tila nagti-TikTok habang pinapaliwanag ni Mariz ang mga impormasyon.

Magaling ang konseptong ito na naisip ng 24 Oras dahil kuha nito ang kiliti hindi lang ng mga tsikiting kundi ng mga manunuod na mahilig sa nauusong video sharing app.

Pero siyempre, mas pinaganda pang lalo ng 24 Oras ang presentation nito. Sa intro pa nga lang, mapapabilib ka na dahil sa immersive graphics na ginamit dito. Para nga raw nasa loob mismo ng classroom si Vicky dahil napapaligiran siya mga school chair.

Dahil na rin sa COVID-19, hindi pa makabalik-eskwela ang mga estudyante kaya maganda ang ginawang ito ng 24 Oras dahil hindi lang nare-refresh ang kaaalaman natin sa mga lesson sa school, may mga bagong impormasyon pa tayong natututunan. Ano kaya ang susunod na lesson sa #ThinkTok?

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Benedict Cua, may aaminin kay Kate Valdez?

Sanya Lopez at Jak Roberto, bonding time ang pagti-TikTok!