in

Paolo Contis, makakakwentuhan si Pepe Herrera sa ‘Just In’

Ibinahagi ng Kapuso couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes sa kanilang magkahiwalay na YouTube vlogs ang karaniwang araw sa kanilang buhay mula noong magsimula ang community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic. 

Aliw na aliw naman ang netizens sa videos nina Paolo at LJ kung saan makikitang alas siyete ng umaga pa lang ay nagigising na si Paolo. Pagkatapos mag-kape ay saka niya pinapakain at pinapaliguan si Summer. Bukod sa mga ito, nakatoka rin kay Paolo ang pagpunta sa bangko.

Sa bersyon naman ni LJ, ipinakita niya ang kanyang normal routine bago siya matulog sa gabi.

Samantala, ang theater actor na si Pepe Herrera naman ang makakakwentuhan ni Paolo sa 5th episode ng ‘Just In’ ngayong Miyerkules (June 17) at 8pm sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ken Chan, may sorpresa para sa lucky fan

Marian Rivera, inspirasyon ni Dingdong Dantes sa new delivery app