in

Michael V., fan na fan pa rin ng ‘Voltes V’

Isa si Kapuso multi-awarded comedian and content creator Michael V. sa mga Pinoy na nahumaling at naging fan ng anime series na Voltes V noong dekada ’70. Unang ipinalabas sa GMA-7 ang series noong May 1978.

Hanggang ngayon ay malapit pa rin sa puso ni Bitoy ang Voltes V kaya naman hindi siya tumitigil na mangolekta ng mga laruan na hango rito. At upang ipakita sa lahat ang pagmamahal niya sa anime series, ikinuwento niya sa kanyang latest vlog na “#BitoyStory 24: Voltes V” kung paano nagsimula ang paghanga niya sa Japanese anime mecha sa pamamagitan ng isang kanta.

Ayon sa kanta ni Bitoy, “Noong unang panahon, panahon pa ni Makoy [Ferdinand Marcos], may isang batang ang pangalan ay Bitoy. Sa tenement sila nakatira, palagi siyang nakaupo sa harap ng TV nila. Mahilig maglaro kahit hindi laruan, kaya lagi na lang ako napapagalitan at para manahimik at hindi magkalat, bibitawan ko ang lahat kapag TV na ang katapat.” 

“Di ko malilimutan nung una kong napanood, pawis dahil sa paglalaro pero nawala ang pagod. May bagong palabas sa GMA ngayon ko lang nakita, si Voltes V, pero ‘di ko siya kilala. Ang lima naging isa, naging astig na robot pero spaceship siya kanina. Noon pa lang ako nakapanood ng ganon. W-T-F. OMG. Mindblown,” dagdag pa niya. Bukod diyan, ibinahagi rin ni Bitoy na nagsilbing inspirasyon ang Voltes V para sa kanyang mga skits sa Bubble Gang. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Marian Rivera, inspirasyon ni Dingdong Dantes sa new delivery app

Unang online game stream ni Alden Richards, tinutukan ng fans