in

Valeen Montenegro, sa bahay muna ang 30th birthday celebration

Inulan ng well wishes sa social media ang ‘Bubble Gang’ star na si Valeen Montenegro sa kaniyang ika-30 na kaarawan noong Miyerkules, June 10.

Dahil hindi muna pwedeng mag-celebrate sa labas at magkasama-sama, idinaan na lang ng kaniyang matatalik na celebrity friends online ang kanilang greetings.

Kasama ang mga ‘Beautiful Justice’ co-stars niya na sina Gabbi Garcia, Bea Binene, at Yasmien Kurdi sa mga nagpost ng kani-kaniyang wishes para sa aktres.

Dumagdag din sina Chariz Solomon at Antonio Aquitania, na mga kasama naman ni Valeen sa gag show.

Pinasalamatan ni Valeen ang lahat ng naka-alala at mga sumusuporta sa kaniya sa isang Instagram post, “A BIRTHDAY TO REMEMBER! Would like to thank everyone who went out of their way to greet me and make feel special today. Sana nareplyan ko kayo, kung di man… Birthday ko! Bawal kayo mag tampo.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Bubble Gang’ sketch nina Archie Alemania at Faye Lorenzo, patok sa YouTube!

Dahil Top Trending ang kanyang ‘No Bra’ series sa Youtube, si Sunshine Guimary na ang #PambansangWalangBra!