in

‘Unang Hirit,’ namigay ng tulong sa mga apektado ng COVID-19

Kahit GCQ na nga sa Metro Manila at iba pang mga lugar, maraming Pinoy ang hindi pa rin nakababalik sa normal na pamumuhay.

Kaya naman ang longest-running morning show na Unang Hirit, may inihandang simpleng ayuda sa segment nitong “UH Serbisyo at Puso.”

Ang UH host at news anchor na si Ivan Mayrina, nag-abot ng grocery items at almusal sa ilang jeepney driver na naghahanap ngayon ng ibang pagkakakitaan dahil sila ay tigil-pasada pa rin. Si Mariz Umali naman, namahagi ng almusal at jacket sa mga locally stranded individuals o LSI sa NAIA.

Karamihan sa kanila, mga OFW na hindi natuloy ang biyahe sa ibang bansa at nagnanais na makauwi sa kani-kanilang probinsiya. Noong isang araw ay bisikleta naman ang ibinigay ng UH barkada sa isang essential worker upang magamit niya sa araw-araw na biyahe mula Antipolo hanggang sa pinapasukan sa Pasig.

Pinuri ng viewers at netizens ang mga ginagawang ito ng UH. May nagkomentong saludo raw siya sa pagtulong ng morning show sa mga taong talagang nangangailangan sa panahon ngayon. Walang mintis daw ang UH sa paghahatid ng good vibes na umaga.

Nagpasalamat naman si Ivan sa nag-comment at nagsabing: “Hanggang sa abot po ng aming makakaya, nais po naming matulungan ang lahat na makabangon. Lalo na yung mga handang magpursigi at magsakripisyo. Ingat po kayo.”

Dalawang dekada na ang UH sa ere at hindi na nga kami nagtataka na talagang patuloy ito sa pamamayapag dahil may puso itong tumulong sa mga deserving na tao.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Althea Ablan, nagkaroon ng virtual reunion kasama ang fans

‘It’s Showtime,’ karamay sa saya at pagbangon ng mga Pilipino