in

Live chat ng YouLOL boys, trending!

Pormal man ang kasuotan ng YouLOL boys na nakisaya sa online live chat noong Martes ay puro kalokohan at nakaka-eskandalo naman ang kanilang kwentuhan na kinaaliwan ng netizens at nag-trending pa sa Twitter!

Tila magba-barkdang matagal na ‘di nagkita pero walang pinagbago ang nakakatuwang reunion ng Encantadia stars na sina Rocco Nacino, Ruru Madrid, Andre Paras, Buboy Villar at pati na rin ang Bubble Gang star na si Mikoy Morales.

Tawang-tawa at nawindang naman ang netizens sa mga pinagsasagot ng YouLOL boys sa tanong na kung ano ang humaba sa kanila nitong nakalipas na tatlong buwan na quarantine.

Ani Ruru, humaba raw ang kanyang pansensya lalo pa at di makalabas ng bahay. Humaba naman daw ang balbas ni Mikoy na ayon pa sa kanya ay madalas niyang himas-himasin. Ang kuko sa paa naman ni Andre ang humaba dahil sa pagsasara ng mga nail salon.

Ang halaman naman ni Rocco ang patuloy na humahaba na madalas niya raw diligan at kausapin. At para naman kay Buboy, naniniwala siyang ang height n’ya ang humaba habang naka-quarantine.

“Nakakaloka talaga mga tanong at mga sagot nyo haha!” ani pa ng isang netizen sa Twitter. Maaari namang panoorin ang replay ng kulitan ng Kapuso boys sa official YouTube channel ng YouLOL.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kate Valdez, anong reaction sa apology vlog ni Barbie Forteza?

Althea Ablan, nagkaroon ng virtual reunion kasama ang fans