in

Kate Valdez, anong reaction sa apology vlog ni Barbie Forteza?

Hindi pasado at tila walang sinseridad para sa karakter ni Kate Valdez na si Caitlyn sa GMA series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ang naging apology vlog ng ex-best friend niyang si Ginalyn (Barbie Forteza).

Sa kanyang reaction vlog, sinabi ni Caitlyn na hindi niya naramdaman na galing sa puso ang paghingi ng tawad ni Ginalyn at parang wala naman daw itong balak na maayos pa ang kanilang nasirang friendsip.

“I don’t think she’s sincere. Contradicting na nagso-sorry ka yet you make a vlog on tips kung paano mag-let go ng loved ones. If nagso-sorry ka, you want to win them back.”

Matatandaan na bago ipatigil ang taping ng serye, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang magkaibigan matapos malaman ni Caitlyn na si Ginalyn ang gusto ng boyfriend niyang si Cocoy (Migo Adecer).

Naaliw naman ng sobra ang netizens sa pagiging in character ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast sa kanilang vlogs at hiling pa nila ay magkaroon na talaga ng YouTube channel na dedicated para sa makukulay na karakter ng show.

“Imagine kung totoo talagang may channel sila,” ani ng netizen na si Jay Danhong.

Sa naturang vlog ni Caitlyn ay nagbigay siya ng tips kung paano mai-spot-an ang mga ahas na kaibigan gaya na lamang kapag extra itong nagpapaganda kapag nandiyan ang nobyo mo, may secret messages sila, at may extra effort itong magkalapit silang dalawa lalo na kung wala ang presensya mo.

Nakisimpatya naman ang ilang netizens sa nararamdaman ni Caitlyn na desidido pa ring hindi patawarin si Ginalyn.

“You know, on Ginalyn’s vlog, I’m on her side pero to be honest, I relate more on Caitlyn’s feelings here. Because sometimes when people did something bad to you for too many times, mahirap na.”

Sa susunod na Lunes (June 15) naman ay mapapanood ang real-life YouTube vlogger na si Benedict Cua na gumaganap bilang si Benny, ang vlogger na kaibigan ni Caitlyn. Tutukan ang kanyang “special vlog dedicated to Caitlyn” sa official Facebook at YouTube accounts ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rocco Nacino, certified ‘plantito’ na; magkakaroon ng urban gardening tutorial

Live chat ng YouLOL boys, trending!