in

Janine Gutierrez, may 200K subscribers na sa YouTube!

Patuloy ang pamamayagpag ng career ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez hindi lang sa showbiz, kundi pati na rin sa social media bilang isang vlogger!

Kahapon, pumalo na ng higit 200,000 ang kaniyang subscribers sa YouTube channel at pinasalamatan ni Janine ang lahat ng sumusuporta sa kaniya, “Just hit 200K on @youtube. Thank you so much to everyone who’s joined me on my channel, through comments, likes, views, everything! Will make more videos. I hope you enjoy.”

Nangako ang aktres na marami pang dapat abangan sa mga future vlogs niya katulad ng collaborations kasama ang mga kapatid na sina Diego, Jessica, at Max. 

Online muna ang ginagagamit na platform ng aktres habang hindi pa maka-balik sa tapings bunsod ng banta ng COVID-19 pandemic. Sa ganitong paraan daw kasi ay mas nakakapag-interact siya sa mga fans. Congrats, Janine!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pops Fernandez, nagpaalala na “staying home is still the safest”

Marian Rivera, tuloy pa rin ang floral business