Biggest break sa career ng Kapuso actress na si Shaira Diaz ang makatrabaho sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado sa hit primetime series na ‘Love You Two.’ Kaya naman itinuturing niya ito bilang proudest Kapuso moment.
Sa online campaign na #SolidKapuso para sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng GMA, ibinahagi ni Shaira na thankful siya sa oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya para gampanan ang role ni Sam Batungbakal sa serye.
Aniya, “Para sa ‘kin, ‘yung yun biggest break ko so far at, siyempe, masarap sa pakiramdam at nakaka-proud sa pakiramdam na makatrabaho mo ang mga tinitingalang artista, napakagagaling na artista, katulad ni Ate Jennylyn Mecado at ni Kuya Gabby Concepcion. Biruin mo naging love triangle pa kami.”
Dagdag pa niya, “Gusto kong magpasalamat sa GMA at sa GMA Artist Center for always supporting me, for trusting me with wonderful projects at, siyempre, for welcoming me into your home.”