Maituturing na isang solid Kapuso ang ‘Magkaagaw’ star na si Jeric Gonzales.
Kuwento niya, ang pagkapanalo niya sa Protégé ang nagbukas ng maraming pinto para sa kanyang career.
“Sa buong stay ko sa GMA, naramdaman ko talaga ‘yung pagmamahal nila, ‘yung pag-aalaga, ‘yung pag-protekta nila. My proudest moment in GMA is ‘yung nanalo ako sa Protegé. Hindi ko alam kung paano ko i-e-explain ‘yung sarili ko noon. ‘Yung feeling ko that moment, ‘yung emotions. It’s a rollercoaster ride, mahirap ‘yung pinagdaanan namin doon but then, ‘yung GMA opened for us an opportunity para maipakita lahat ng talent namin. Kaming lahat na galing Protegé, very proud na dumaan kami doon.”