in

’24 Oras,’ di lang sa pagbabalita nakakatulong

Bukod sa paghahatid ng maiinit na balita, nagiging daan din ang Kapuso newscast na 24 Oras upang makatulong ang mga manunuod sa mas nangangailangan nating mga kababayan, lalo na yung mga matatanda, nawalan ng trabaho, at mga nakikipagsapalaran sa kalsada sa gitna ng pakikibaka natin sa COVID-19.

Ilang manonood na nga ang nagpahatid ng kanilang mga tulong matapos nilang mapanood sa 24 Oras ang ganitong mga report.

Ilan sa mga kuwentong kumurot sa puso ng publiko ang mga senior citizen na pumipila sa gitna ng tirik na araw o di kaya’y kahit kasagsagan ng ulan tulad na lamang ng 82-year-old na si Lola Editha. Matapos umere ang report sa 24 Oras, pinadalahan ng tulong ng mga nakapanuod sa kanya si Lola Editha.

Ang sapaterong nakatira sa pedicab kasama ang mga alagang aso, tumanggap din ng tulong at inalok pa nga ng trabaho ng isang may may-ari ng sapatusan sa Marikina.

Kahit ang Kapuso na si Willie Revillame, nagpahatid ng tulong sa isang pamilyang binaklasan ng bubong dahil sa hindi pagkakabayad ng upa sa bahay matapos mapanuod ito sa 24 Oras.

Patunay lang din ito na kahit nasa gitna tayo ng pandemya ay marami pa ring mabubuting loob ang gustong tumulong sa mga taong mas nangangailangan sa kanila at isa nga ang 24 Oras sa nagiging tulay upang mangyari ito.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos, may dilemma sa pag-aartista at pag-aaral?

Eugene Domingo, malaki ang pasasalamat sa GMA Network