in

Will Ashley, hindi naging madali ang pagpasok sa showbiz

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng young Kapuso actor na si Will Ashley ang kanyang mga pinagdaanan sa pagpasok sa mundo ng showbiz.

Kuwento ni Will, ang kanyang role bilang Young Isagani sa show na Villa Quintana ang kanyang unang proyekto sa GMA Network.

Pagkatapos nito ay naging parte naman siya ng Innamorata, Niño, My BFF, Little Nanay, at iba pang Kapuso shows. Ngayon ay napapanood na si Will sa top-rating serye na Prima Donnas.

“Sa buhay natin, marami tayong pagsubok na kakaharapin. Pero hindi dapat tayo matinag sa isang problema lang. Dapat lumaban tayo. Maraming maninira, maraming gusto kang i-down pero hindi ka dapat magpaapekto doon. I-prove mo yung sarili mo na mali sila,” lahad ni Will sa kanyang vlog. 

Panoorin ang buong kuwento ni Will sa kanyang vlog (Will Ashley). 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dance cover nina Rayver at Rodjun Cruz, ikinatuwa ng netizens

Alden Richards, Thai skincare endorser na rin