in

Paboritong pagkain ng anak na si Anton, inihanda ni Sunshine Dizon para sa birthday nito

Tiniyak ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon na magiging espesyal pa rin ang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak na si Anton kahit stuck at home pa rin sila bunsod ng health crisis na kinakaharap ng lahat.

Lahat ng paboritong pagkain ng anak ay niluto ni Sunshine para sa 8th birthday nito. Sa photo na pinost ng aktres sa Instagram, may short but sweet message siya para sa anak. Aniya, “Happy 8th birthday Anton ♥️ hope you’re having a super day. We love you always and forever.”

Samantala, kahit pansamantalang tigil sa taping ang Afternoon Prime series na Magkaagaw kung saan siya napapanood bago mag-lockdown, tuloy pa rin na napapanood ng kanyang fans si Sunshine dahil sa rerun ng top-rating drama series na Ika-6 Na Utos sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Allen Ansay at Sofia Pablo, tuloy ang pag-prank sa isa’t isa

Kyline Alcantara, ibinahagi ang kanyang proudest Kapuso moment