in ,

Kyline Alcantara, ibinahagi ang kanyang proudest Kapuso moment

Bilang pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng GMA ngayong taon, ibinahagi ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang kanyang proudest Kapuso moment.

Sa isang video, sinabi ng Bilangin ang Bituin sa Langit star na ang pagdalo niya sa prestihiyosong Asian Academy Creative Awards noong 2018 ang maituturing niyang proudest moment sa kanyang home network.

Dito ay naging finalist si Kyline para sa Best Actress in a Supporting Role category para sa kanyang natatanging pagganap sa primetime series na Kambal, Karibal.

Aniya, “Tuwing pumupunta ako sa provinces para sa festivals and mall shows o ‘pag nag-out of the country ako, may biglang lalapit sa akin na magsasabing, ‘Oh my gosh kilala kita! Galing kang GMA-7. Sobrang paborito ko yung mga palabas niyo dyan at solid kapuso ako. Sobrang sarap sa pakiramdam nun at nakakaproud.”

Dagdag pa niya, siguradong iku-kuwento niya ang achievement na ito sa kanyang mga magiging apo. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paboritong pagkain ng anak na si Anton, inihanda ni Sunshine Dizon para sa birthday nito

Gil Cuerva, may inamin tungkol sa lagay ng kanyang mental health