in

Aicelle Santos, alay sa frontliners ang kantang “Tuloy Tuloy Lang”

Sa guesting ng Centerstage judge na si Aicelle Santos sa Unang Hirit kahapon, hinandugan niya ang mga manunuod ng kanyang soulful rendition ng kantang “Tuloy Tuloy Lang.”

Ayon kay Aicelle, alay niya ang awitin na ito sa lahat ng frontliners kabilang na ang kanyang kapatid na isang healthcare worker sa UK.

Aniya, “Hindi maalis sa amin, sa buong pamilya namin na mag-alala. Kumusta ba ‘yung kalagayan niya. Halos araw-araw pinapaalala naming na doble ingat. We’re very very proud kasi ‘pag sinabi mong frontliner, health worker, karamihan po diyan Pinoy talaga. At ‘yung sakripisyong ginagawa po nila ay napakalaking bagay kaya maraming salamat po.”

Dagdag pa niya, bagay na bagay ang kantang ito sa panahon na kinakaharap natin ngayon para magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan, “Nu’ng dumating na nga itong pandemya, binalikan ko ‘yung kanta. Sabi ko, ‘Tamang-tama ‘yung mensahe niya, very timely. May pag-asa at liwanag sa bandang huli.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong K-drama na hatid ng The Heart of Asia, inaabangan na ng netizens

Dance cover nina Rayver at Rodjun Cruz, ikinatuwa ng netizens