in

Willie Revillame, may payo sa mga Kapuso ngayong GCQ na

Sunud-sunod man ang naranasang pagsubok at kahirapan ng ating mga kababayan, walang patid din ang pagtulong ng Kapuso TV host na si Willie Revillame sa pamamagitan ng kanyang programang Wowowin.

Dahil sa Kapuso variety game show ay nakakapagbahagi siya ng tulong pinansyal at musical performances na nakakapaghatid ng ligaya sa Kapuso viewers. 

Pinayuhan din ni Willie ang mga manonood na patuloy pa ring mag-ingat kahit nasa general community quarantine na tayo. Aniya, huwag pa ring lumabas kung hindi naman kinakailangan.

“Mahirap ho kasi ang problemang ito eh. Magugutom, magkakasakit, ‘di ba. So dapat ho aayusin talaga ‘to. Tulong-tulong. Makinig na muna ho tayo at magpasensya talaga tayo, walang magagawa. Hindi lang ho Pilipinas ang nagsa-suffer ngayon, buong mundo,” paghikayat niya. 

Mapapanood naman araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes ang Wowowin sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jeremiah Tiangco, Hannah Precillas, at Garrett Bolden, triple treat ang hatid sa Playlist Live

Dating Clashers, nagpakitang gilas sa Mellow Friday Night