Aminado si Kristoffer Martin na may mga pangamba pa siya sa pagbabalik-trabaho ngayong general community quarantine (GCQ).
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/06/kristoffmartinmagbaliktrabaho.jpg)
Ipinahayag ng Kapuso actor ang kanyang opinyon tungkol sa “new normal” na kahaharapin ng publiko, partikular na lang ng mga artista, sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Parang hindi pa tayo ready, kung lahat magsasabay-sabay ‘yung work. Kung ako ang tatanungin, natatakot pa ako,” lahad ni Kristoffer.
Gayunpaman, naniniwala siyang isasalang-alang ng network ang kanilang kaligtasan sakaling magbalik na sila sa taping. “I’m sure naman si GMA gagawin niya lahat ng safety precautions para ma-secure lahat ng mga tao na nando’n na safe. Alam naman naming hindi kami pababayaan ng network ‘pag nag-work,” dagdag pa niya.
Nagpasasalamat din si Kristoffer sa lahat ng frontliners na nakikipaglaban sa virus para sa kapakanan ng mas nakararami.