in

Heart Evangelista, pinaalalahanan ang bashers

Naglabas ng saloobin ang Kapuso actress na si Heart Evangelista laban sa patuloy na pamba-bash sa kaniya sa social media.

Sa pamamagitan ng Instagram story, inilahad niya ang nararamdamang sakit tuwing nakakatanggap siya ng hateful comments.

Aniya, “You think it’s ok to hurt people? You think just because you see something nice you are allowed to destroy it? Tonight I will allow myself… I am not ok and that’s fine. Nobody has the right to destroy your happiness just because they want to or just because they can.” 

Matatandaang ibinahagi rin ng aktres ang kaniyang nararanasang depresyon sa isang episode ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho.’

Umaasa nga si Heart na tutulungan siya ng Diyos sa kaniyang mga pinagdadaanan ngayon at mananatili na lang siya sa pagtulong at pagmamahal sa kapwa. Saludo kami sa iyo, Heart!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Regional TV, may 100K subscribers na sa YouTube!

GMA Comedy, kaisa sa pagbibigay ng pag-asa sa mga Pilipino