in

GMA Regional TV, may 100K subscribers na sa YouTube!

Hindi lang sa telebisyon umaarangkada ang regional arm ng Kapuso channel na GMA Regional TV (GMA RTV). Pati kasi online, ramdam na rin ito.

Kamakailan nga ay pumalo na sa 100,000 subscribers ang YouTube channel nito na “GMA Regional TV” at tatanggap na ito ng Silver Play Button award. 

Malaking tulong ang YouTube channel na ito ng GMA RTV dahil napapanuod muli ng netizens ang local shows na umere sa iba’t ibang regional channels ng GMA 7. At dahil online, hindi lang sa Pilipinas kundi kahit saang panig ng mundo ito maa-access. Congrats, GMA Regional TV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dating Clashers, nagpakitang gilas sa Mellow Friday Night

Heart Evangelista, pinaalalahanan ang bashers