in

‘Bubble Gang,’ mas maagang mapapanood tuwing Biyernes!

Simula ngayong Biyernes (June 5), mas mapapaaga ang katatawanan at bonding time kasama ang kwelang cast ng Bubble Gang sa pinaaga nitong timeslot, alas-diyes ng gabi, sa GMA primetime block.

Uumpisahan ng award-winning telefantasya na Encantadia kasama sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Kylie Padilla ang exciting new line-up ng GMA Telebabad, 8:30-9:15PM.

Kasama ang Mulawin na si Lakan (Alden Richards), tila isang malaking pagsubok ang pagdaraanan nina Sang’gre Danaya (Sanya) at ng tunay na Lira (Mikee Quintos) makabalik lamang sila ng Encantadia. Sibling rivalry na may konting kababalaghan naman ang hatid ng Kambal, Karibal kasama sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, at Pauline Mendoza, 9:15PM-10:00PM.

Bakas ang takot sa mga mata ni Lola Anicia (Gloria Romero) matapos niya muling makita nang malapitan ang huwad niyang apo na si Cheska (Kyline Alcantara).

Mga Kababol, ‘wag mambabae at umiwas sa gulo dahil deserve n’yo ang relaxing start sa weekend kasama ang Bubble Gang, 10:00PM – 11:15PM.

Samantala, makibalita sa mga nagbabagang kaganapan at isyu sa bansa kasama sina Arnold Clavio at Pia Arcangel sa Saksi, 11:15PM – 12MN. Tutukan ang lahat ng ‘yan ngayong Biyernes, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gina Pareño at Jay Manalo, tampok sa ‘Magpakailanman’

Chris Tiu, may ibinahaging alternative mask laban COVID-19