Lalo pang sasarap ang kulitan at kwentuhan sa Barangay LS 97.1 dahil nagbalik na ang mga makukulit na DJ sa radio booth! Matapos ang ilang buwang pananatili sa bahay kung saan sa social media muna sila nakakausap live ng avid listeners ng Barangay LS, eh talagang na-miss nga nila ang radio booth.
At syempre, kahit GCQ na at nakabalik na sila sa studio, todo-ingat pa rin sila at pinaaalalahanan din nila ang listeners na laging maghugas ng kamay at laging mag-observe ng social distancing tuwing nasa labas ng bahay.