Magsasama-sama ngayong Biyernes ang mga alaga ng Master Showman na si German Moreno sa “Walang Tulugan: The Reunion.” Makikipag-bonding sina Ken Chan, Sanya Lopez, Jake Vargas, at Jak Roberto at iba pang mga artistang naging bahagi ng buhay ni Kuya Germs.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/06/gmaartistcenterwalangtuluganonline-1024x576.jpg)
Siguradong mapupuno ng throwback kuwentuhan at kulitan ang gabing iyon. Hosted by John Nite at Jackie Lou Blanco, mapapanood ang “Walang Tulugan: The Reunion” ngayong Biyernes (Hunyo 5), 7pm, sa Facebook page ng GMA Network at YouTube channel ng GMA Artist Center.