in

GMA Network, nananatiling “Buong Puso Para sa Pilipino”

Eksakto sa 70th anniversary theme nito, patuloy sa pagiging Buong Puso Para sa Pilipino ang GMA Network. At sa kasalukuyan nga ay ito ang pinakamalaking TV network sa Pilipinas, resulta ng 52 total TV stations nito sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Dahil din dito, mas maraming manonood –mahigit sa 80 milyon! – ang nagagawang abutin ng Kapuso Network.

Kaya naman sa mga panahong katulad ngayon na marami ang nangangailangan ng mapagkakatiwalaang news source, napakalaking bagay na may maaasahan tayo tulad ng GMA Network.

Kilala sa pagbibigay ng Serbisyong Totoo, patuloy ang news programs ng GMA – sa pangunguna ng primetime newscast nitong 24 Oras – sa paghahatid ng napakahalaga at napapanahong news and information sa publiko.

Kasama ang 24 Oras, naging malaking tulong sa mga manonood ang patuloy na pagbabalita ng 24 Oras Weekend, Unang Hirit, Dobol B sa News TV, at news bulletins ng GMA noong kasagsagan ng ECQ. At sa pagsisimula ng GCQ sa Metro Manila nitong Lunes, balik-telebisyon na rin ang late-night newscast na Saksi.

At pati na nga online, 24 Oras na rin ang pinaka-tinututukang local newscast ng netizens. Patunay lang ito sa pagtitiwala ng mga Pilipino sa Serbisyong Totoo ng Kapuso Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia at Andre Paras, binalikan ang mga pinagsamahang proyekto

Pagbabalik nina Mel Tiangco at Mike Enrique, inabangan!