in

Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, may ginawang original song

Ibinahagi ni Kapuso actress Chynna Ortaleza ang kuwento tungkol sa kanilang original song ni Kean Cipriano na “Sulyap.”

Ayon sa Instagram post ni Chynna, unang binanggit ni Kean sa kanya ang opening line ng “Sulyap” habang nasa labas sila, “Isang gabi nag-dinner kami ni @markcarpio at @kean Nakapagkwentuhan at habang naglalakad kami binanggit niya sakin ang opening line ng kanta na ito.”

Dagdag pa ni Chynna ay nabuo naman nila ang kantang ito sa dati nilang bahay, “Nabuo namin ni Kean ang kanta sa sala ng dati naming bahay. Kagabi naman habang nasa sala, sinubukan namin kantahin ulit.”

Kuwento pa ng Idol sa Kusina star, dati ay napatanong siya kung si Kean na ba ang sagot sa dalangin niya, “Napatanong kasi talaga ako dati nung nagsisimula nang lumalim ang damdamin ko kay Kean.. Ikaw na kaya sagot sa dalangin ko? Siya nga. AMEN! Thank you Lord!”

Maaaring mapanood ang kanilang performance ng “Sulyap” sa IGTV ni Chynna sa kanyang Instagram account. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Marian Rivera, na-maintain ang sexy figure

Kris Bernal, happy at proud sa positive feedback ng customers sa kanyang makeup brand