Kahit naka-quarantine sa bahay, busy pa rin ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa pag-aasikaso ng kanilang mga negosyo. Sa katunayan, si Jennylyn mismo ang punong-abala sa kanyang cookie business.
Aniya, “Wala naman kasing p’wedeng mag-handle nu’n so sa ngayon ako ‘yung naghahawak ng mga orders tapos delivery. Happy naman ako na ako ‘yung humahawak ng mga ganito. Tinutulungan din ako ni Dennis.”
Bukod dito, pinaghahandaan na rin nila ang pagbubukas ng kanilang cat cafe at salon. Kwento pa ni Jen, happy at proud siya dahil natupad ang pangarap niyang maging baker dahil sa pamamalagi sa bahay habang mag lockdown.
Kaya naman siya mismo ang nag-bake ng birthday cakes nila ni Dennis para sa kanilang nakaraang kaarawan.
“Ngayon halos wala namang nagbebenta ng cake so wala kaming choice. Ako rin gumawa ng birthday cake niya tapos ako rin gumawa ng sarili kong birthday cake. Favorite ko kasi ‘yung carrot cake,” dagdag pa niya.
Maging si Dennis ay nahilig na rin sa pagbe-bake katulad ni Jen, “Mahilig kaming manood ng videos onine so naghanap kami ng mga recipe para gumawa ng mga sarili naming cake tsaka mga pizza, tinapay.”