in

Benedict Cua, nagbigay ng tips kung paano makahanap ng tunay na kaibigan

Sa mga panahon ng hirap at kagipitan gaya ngayon na may kinakaharap na krisis sa buong mundo ay mas higit na makikilala natin kung sino ang ating tunay at tapat na kaibigan.

Sa latest YouTube vlog ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast member na si Benedict Cua, tinalakay nito kung paano nga ba makakahanap ng tunay na kaibigan at kung dapat na bang putulin ang mga relasyon na hindi na nakakabuti sa sarili.

Isa raw senyales ng tunay na kaibigan ay kung hindi ito nagpapadala sa peer pressure at kayang irespeto ang iyong desisyon, “Doon mo mate-test kung totoo silang kaibigan ‘eh kapag ni-reject nila ‘yung ‘No’ mo and they didn’t respect your decision, then you might as well stay away.”

Dapat daw ay supportive ang kaibigan lalo pa kung para ito sa ikakabuti mo. “A true friend would also love unconditionally. In general, kapag nagkamali ka, mage-gets niya kung saan ka nanggagaling and pagsasabihan ka niya pero hindi ka niya gagawing enemy,” ani Benedict.

Gumaganap si Benedict bilang ang vlogger na si Benny sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na pansamantala namang pinalitan ng rerun ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Glaiza de Castro, nabuhayan ng loob dahil sa rerun ng ‘Encantadia’ at ‘Stairway to Heaven’

Nora Aunor, pag-arte pa rin ang pinagkakaabalahan ngayong naka-quarantine