Good news para sa mga tagasubaybay ng mga programa ng GMA Public Affairs. Mas marami na kasing shows nito ang mapapanuod online.
Bukod sa nightly newscast na “Stand for Truth”, available na rin sa YouTube channel ng GMA Public Affairs ang “Fact or Fake: A Brigada Online Series”; “Sumbungan ng Bayan Libreng Payo Online”; “Frontliners: A Brigada Online Specials”; “RTx: A Reel Time Online Special”; “Survivors: A Tunay na Buhay Special Online Series”; at “ECQusina: Pinoy Kusina Stories Ngayong Quarantine”.
Matagal na ring napapanuod sa YouTube channel ng GMA Public Affairs ang ilan sa past episodes ng mga nangungunang GMA Public Affairs TV show.
Pero bukod sa replays, may mga original online show na ring sa nasabing channel lang mapapanuod.
Kaya naman marami sa mga netizen ang natutuwa dahil may access na raw sila lalo sa mga ganitong programa na pwede nilang mapanuod anytime, anywhere habang sila ay online.
Bukod sa pangunguna sa telebisyon, patuloy nga ang paglakas ng online presence ng GMA Public Affairs. Sa huling silip namin ay may 10.6 million subscribers na nga ang YouTube channel ng GMA Public Affairs.
Kung matatandaan, nauna nang nagkaroon ng 10 million subscribers noong 2019 ang GMA Entertainment YouTube channel. GMA Network pa lang ang Philippine network na may dalawang Diamond Creator Awards mula sa YouTube.