Inilista ng Kapuso star na si Kris Bernal ang ilang life lessons na kaniyang natutunan habang kasalukuyang naka-quarantine sa bahay.
Nais din niyang ibahagi ito sa mga fans na dumadaan din sa matinding pagsubok bunsod ng COVID-19 at ng lockdown.
Sa isang Instagram post, shinare ni Kris ang mga mahahalagang aral na kaniyang nakuha, ilan dito ang, “1. Live each day as your last. Don’t take it for granted, use it, be grateful for it. 2. Just take it day-by-day. It’s not a race. There’s no competition! 3. Reflect and reinvent your life. 4. Nobody has the same quarantine experience. Connect with kindness, understanding, and empathy.”
Para kay Kris, mahalagang i-practice ng mga tao ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa.
Bukod dito, pina-alalahan din niya ang mga netizens na maging handa sa sakuna at mag-ipon para sa emergency fund. Maigi rin daw na makaramdam ng contentment at alamin ang mga totoong mga kaibigan sa panahon na ito. Salamat sa paalala, Kapuso!